isang mapait na nakaraan ang bumubuhos sa bawat luha
tuwing naalala ang isang dagok sa buhay na puno ng pagdurusa
wala man lang nagawa ang mistulang mayuming prinsesa
sapagkat tanging armas ay ang kanyang malinis na konsensiya
lingid pa rin sa kaalaman ng karamihan sa kanilang bayan
anim na buwan na ang nakakalipas ng siya'y bumalik sa kanyang tahanan
isang krimen ang nangyari sa harap mismo ng kanyang mga mata
ang kanyang ama'y pinaslang ng mga taong walang awa
hustisiya ang laman ng kanyang mga panalangin
ngunit ang mismong hukom ay nakukuha sa mga bayarin
galit at paghihinagpis ang namuo sa kanyang mukha
dahil ang hustisiya na pangarap ay animo'y mawawala na
sa bawat araw na lumipas, di pa rin matahimik ang dalaga
lumabas siya sa katauhang tahimik at muli'y magpapakita na
naging matapang ang prinsesa at siya'y tumayo sa harapan nila
na wari'y ibabagsak ang mga taong kumitil sa kanyang ama
ang mayuming dilag kasama ang mga manunulat
ay nagsalita na para mga mata ng mga tao'y mamulat
sa mga pagdadamit ng kabaitan ng mga nakaupo
at sa wakas, sa araw na iyon mga pangarap na ri'y natamo
- sana'y mabuksan ang mga mata ng mga mamayan at mga taong may kapangyarihan, ako man ay walang maipagmamalaki, ngunit sa pamamagitan ng tulang ito, sana mga tao nama'y wag masilaw sa perang binibigay ng mga taong gusto lamang ay isang trono, wag maging pipi at bulag sa mga nakikita at naririnig, ngunit sana'y magsalita na, hindi para sa sarili ngunit para sa mga tataong mga mabibiktima pa ng mga taong makasarili at mapanlumo sa pera.
-michelle alcantara-
No comments:
Post a Comment